Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko by Noel Cabangon

Noel-cabangon

https://www.google.com.ph/search?q=noel+cabangon+wiki&dcr=0&biw=1288&bih=707&tbm=isch&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwjGgauUw_DZAhWHH5QKHfZADhkQ_AUICygC#imgrc=K-Ku7NA2tuLi2M:

Si Noel Cabangon ay isang singer-songwriter at musical director para sa  teatro. Isa siya sa mga sikat na composer dito sa ating bansa. Isa din siya sa mga mang-aawit na lubos kong hinahangaan dahil sa kanyang lubos na talento pagdating sa musika. Una ko siyang nakita sa isang event sa Vermosa, Daang Hari noong taong 2015, simula noon ay lubos na akong namangha sa kanyang napaka-gandang boses at galing sa pag-gitara. 

Ang kantang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” ay patuloy na nagpapakilig sa akin kapag ito ay aking naririnig. Ang kantang ito ay theme song ng aking nanay at tatay. Bilang anak nilang dalawa saksi ako sa kanilang pagmamahalan simula noong ako ay bata pa lamang, saksi ako sa lahat ng hirap at saya na pinagdaanan namin sa buhay. Simula noon na kahit nag-aaway sila, dahil hindi naman iyon maiiwasan sa lahat ng relasyon, at kapag naman nagkapatawaran makikita mo parin ang pagmamahalan nilang dalawa para sa isa’t isa, simula noon at hanggang ngayon. 

Para sa akin, ang kantang ito ang magpapa-realize at magpapa-alala sayo na kamahal mahal ang ka o kahit sino sa mundong ito. Sa kantang ito mo mararamdaman na may mga taong nag-mamahal sayo at patuloy na nagtitiwala sayo. Sa kantang ito mo maaalala ang mga taong nagpasaya sayo kahit ano pang problema ang dinanas niyo sa buhay. 

Nagustuhan ko ang kantang “Kahit Maputi Na Ang Buhok ko” dahil para sa akin, sinasabi dito na tumanda man kayo parehas, pumuti man ang buhok niyo parehas, sabay niyong aalalahanin ang mga memories na nagawa niyo simula noon hanggang ngayon.

At higit sa lahat ang pinaka-gusto ko sa kantang ito lahat ng mga bagay na masaya, malungkot, masakit, mga galit, umiyak ka man o hindi, at kung anu-ano pang naramdaman mo ay patuloy na maiiwan sa iyong memorya na patuloy niyo nalang na aalalahanin, na kung minsan ay gusto niyo nalang kalimutan pero mas madalas na gusto niyo nalang i-keep pang habang buhay.

4 thoughts on “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko by Noel Cabangon

Leave a comment